BBM2

PBBM kumpiyansang mabubura komunismo sa Northern Samar

155 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatagumpay ang Philippine Army sa layunin nito na burahin ang communist terrorist groups (CTG) sa Northern Samar bago matapos ang taon.

Kasabay nito ay kinilala ni Pangulong Marcos ang mga nagawa ng 803rd Infantry (Peacemakers) Brigade ng Armed Forces of the Philippines na nakatalaga sa Northern Samar.

“I just received the briefing on the success rate sa ating pagbuwag, sa ating pag-dismantle ng mga front, pag-weaken ng mga ibang front. And I was also given a very encouraging deadline that masabi natin that we will have dismantled all of the CTG fronts by the end of the year and that is the result of your good work,” ani Pangulong Marcos.

“From the progress being made in Northern Samar, we are looking forward to declaring that province clear of CTGs by the end of the year,” dagdag pa ng Pangulo.

Bumisita ang Pangulo sa Camp Juan Ponce of the 803rd Infantry (Peacemakers) Brigade na nakabase sa Sumuroy, Northern Samar, kasunod ng inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project at pamamahagi ng ayuda sa mga residente at lokal na pamahalaan.

“Patuloy ang pagpaganda ng sitwasyon dito at I am very, very impatient already to come back here and to be with you when we declare your area of operation clear of any CTG formations, any CTG groups,” sabi pa ng Pangulo. “And that will be a big, big blow to the enemy forces because they have always felt that Northern Samar is a place that they feel safe in.”

Hinamon din ng Pangulo ang mga sundalo na ibalik sa ilalim ng batas ang mga rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga ito.

“So, that is the plan. This is how we are going to move forward but this is all founded, it is all based, on the continuing good work that you put in every day,” aniya.

“You are still now in Northern Samar, on the frontline. Kaya’t do not let your guard down. Continue to do what you have been doing dahil, as I said, it has been successful, it has been effective and we can see that from the weakening of the enemy forces,” dagdag pa ng Pangulo.

Humina ang CTG sa probinsya matapos na magbalik-loob sa gobyerno ang mahigit 6,200 sympathizer ng mga ito.