BBM1

PBBM, Macron nagpulong

250 Views

NAGPULONG sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron sa sideline ng APEC Summit sa Thailand.

Inilarawan ni Marcos ang pagpupulong na “very extensive and quite productive” ang kanilang pag-uusap sa isyu ng agrikultura, enerhiya, at defense.

“I had a very extensive and quite productive meeting with President Macron of France and of course, we discussed some of the regional issues that are impacting upon the economy and the worries that we have for the future and the partnerships that are developing between even far off places, what we used to regard as far off places like France and the Philippines,” ani Marcos.

Binubuksan ng Pangulo ang pag-uusap sa iba’t ibang bansa upang mapalagp ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas at maparami ang suplay ng pagkain.

Ayon kay Marcos ang France ang isa sa nangunguna sa paggamit ng nuclear energy na maaaring makatuwang ng Pilipinas para sa murang enerhiya.

“I’m very confident that it will be a strong partnership simply because they have up to 67 percent of their power production is from nuclear energy so they are very, very used to it,” sabi pa ng Pangulo.

Nabanggit din umano ng Pangulo ng France na interesado ito sa nangyayari sa Asia-Pacific region at kanila itong binabantayan.

“So there are increased involvement in exercises, there are increased presence in the Asia Pacific region and all of that,” wika pa ni Marcos. “So these are areas that… the three basic areas that considered that partnerships could be explored. He was also kind enough to invite me to visit France when the time comes.”