BBM

PBBM mainit na sinalubong ng mga Pinoy sa Indonesia

180 Views

MAINIT ang naging pagsalubong ng mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia.

Pasado alas-12 ng tanghali ng dumating si Marcos sa Fairmont Hotel sa Jakarta. Ito ang unang state visit ni Marcos.

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) secretary Susan Ople na ang pakikipagkita ni Marcos sa mga Pilipino na nasa ibang bansa ay pagpapakita ng pagbibigay nito ng prayoridad at importansya sa kanila.

Mayroong 7,448 Pilipino sa Indonesia karamihan ay humahawak ng managerial, technical o professional level position.

Umabot sa US$ 17.5 milyon ang naipadalang remittance mula sa Indonesia noong 2021.