Martin

PBBM malugod na tinanggap ng ASEAN, world leaders—Speaker Romualdez

157 Views

MALA-ROCK star umano ang dating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez mainit ang naging pagtanggap sa Pangulo ng iba’t ibang lider ng bansa sa summit na idinaos sa Phnom Penh, Cambodia.

“It makes me feel proud to see our President being warmly received by his fellow leaders in the region. He has been welcomed and embraced. Other leaders in Asia are looking forward to meeting him and talking business with him. Dare I say, the President has been like a rockstar here,” ani Romualdez.

Hindi umano maitatanggi ang pagkakaroon ng “magnetic” personality ng Pangulo na nakipag-usap sa iba’t ibang lider ng mga bansa.

Naniniwala si Romualdez na makabubuti sa bansa ang naging pagtanggap kay Marcos at kumpiyansa ito na makakaakit ito ng mga mamumuhunan sa bansa.

“Leaders from around the world are drawn to the Chief Executive and this bodes well for the Philippines, for practical reasons. We in government intend to build on our 7.6 percent economic growth in the third quarter based on our gross domestic product (GDP). The President will strive to turn these interactions on the international stage into tangible benefits that can trickle down into every Filipino home,” saad ng lider ng Kamara.

Kabilang si Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats, sa delegasyon ng bansa sa 40th at 41st ASEAN Summit and related summits.

Si Marcos ay inimbitahan din ng lider ng iba’t ibang bansa gaya ni Chinese President Xi Jinping. Nakatakdang mag-state visit si Marcos sa China sa Enero.

Siya ay inimbitahan din na dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.