BBM1

PBBM: May mga nagawa pero marami pang dapat na gawin

204 Views

SA unang taon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay marami umanong nagawa subalit marami pa umano ang kailangang gawin.

Sa panayam sa paglulungsad ng Kanegosyo Center ng Cebuana Lhuillier sa Parañaque City, sinabi ni Pangulong Marcos na mayroong mga nagawa ang kanyang administrasyon sa unang taon nito sa puwesto pero marami pa umanong kailangang gawin para maitama ang halos 40 taon ng pagpapabaya sa sektor ng agrikultura.

“There are many, many things that we still need to do. We have to undo 30, 35, almost 40 years of neglect when it comes to the agricultural sector. And the agricultural sector still occupies the most fundamental part of our economy,” ani Pangulong Marcos.

“We have achieved a lot of growth. We are beginning to see the systemic changes that are going to be part of the new bureaucracy, but there is still a long way to go,” sabi pa ng Pangulo na siyang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture.

Dahil hindi pa tapos, ang markang ibinigay ng Pangulo sa kanyang unang taon ay “incomplete.”

“I saw a report earlier this morning where one of the economists said the grade that I will give for the President is incomplete. I agree with him. We are not done,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Marami pa umanong programa at proyekto na kailangang gawin para mapabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“We are still fighting with inflation. Talagang yan ang isa sa panay na pinaka-malaking problema na kinakaharap natin. Lahat ng maari nating gawin ay ginagawa natin para hindi masyadong mahirapan ang ating bayan,” anito.

“So it’s never enough. Whatever it is that we have managed to do, there is still a great deal more to do. We have to work smart, and we have to work well, and we have to be very conscious,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Umupo ang administrasyong Marcos noong Hunyo 30, 2022.