Calendar
PBBM: May pag-asa sa kabila ng paghihirap
NAGPAABOT ng mensahe ng pagkakaisa at pag-asa si Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday — ang pagtatapos ng Mahal na Araw at paggunita sa muling pagkabuhay ni Kristo.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pananampalataya, malasakit, at sama-samang pagkilos upang makabangon ang bansa sa gitna ng mga hamon.
“I join the entire Filipino nation in celebrating Easter Sunday, the triumphant culmination of Holy Week and the sacred proclamation of Christ’s Resurrection,” saad ni Marcos.
Sa buong bansa, idinaraos ng mga Kristiyanong Pilipino ang Easter Sunday bilang simbolo ng tagumpay ng buhay laban sa kamatayan at liwanag laban sa dilim kasunod ng isang linggong pagninilay at sakripisyo.
Ayon sa Pangulo, ang diwa ng Pasko ng Pagkabuhay ay paalala na may pag-asa sa kabila ng paghihirap, at dapat itong isabuhay sa pamamagitan ng kabutihan at pagtutulungan.
“On this day, the empty tomb stands as a powerful testament that life conquers death and hope prevails over despair,” ani Marcos.
Hinimok din niya ang publiko na pairalin ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa sa pang-araw-araw na pamumuhay, kasabay ng pagsusulong ng mas matatag na bansa.
“Let us build a nation where kindness is instinct and unity is our strength,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng Pangulo na sa bawat sakripisyo ay may kapalit na panibagong simula, at sa gitna ng anumang pagsubok, ang pananampalataya ang magsisilbing gabay tungo sa liwanag.
—
SOURCE: https://pco.gov.ph/news_releases/president-urges-unity-hope-and-compassion-on-easter-sunday/

