BBM2

PBBM: Mga kandidato ng Alyansa malinis ang record

Chona Yu Feb 18, 2025
28 Views

ISA-ISANG sinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung kumpleto pa ang 12 kandidato sa pagka-senador ng Alyansa para sa Pagbabago.

Sa campaign rally sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, tiniyak ni Pangulong Marcos na wala ni isa sa mga kandidato ang nasabugan mg granada.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos sa biro ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang 15 senador para makapasok sa Senado ang siyam niyang kandidato sa ilalim ng PDP-Laban.

Ayon kay Pangulong Marcos, walang maririninig na masasamamg salita, pananakot at pagmumura ang publiko mula sa Alyansa.

Nakita naman aniya ng mga botante ang mga nagawa at malinis na record ng mga kandidato ng Alyansa.

Kaya sabi ni Pangulong Marcos, malakas ang kanyang loob na iindorso ang 12 kandidato dahil tanging kapayapaan at kaunlaran ng bansa ang hangad ng mga ito.

Pambato ng administrasyon sina Benhur Abalos, Abby Binay, Camille Villar, Francis Tolentino, Manny Pacquiao, Lito Lapid, Pia Cayetano, Erwin Tulfo, Tito Sotto, Bong Revilla, Ping Lacson, at Imer Marcos.