Calendar
PBBM: Mga taong nasa likod ng pagtakas ni Alice Guo, sisibakin
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may mga masisibak na opisyal ng gobyerno dahil sa paglabas ng bansa ng na dismiss na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Babala ni Pangulong Marcos, full scale investigation ang ikakasa ng gobyerno sa pagpuslit ni Guo.
Ayon sa Pangulo, ang paglabas ng bansa ni Guo ay patunay na talamak ang korupsyon na nagpapahina sa justice system sa Pilipinas.
“The departure of ๐๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐๐๐ผ has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“๐๐๐ง ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ: ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ ๐๐ถ๐น๐น ๐ฟ๐ผ๐น๐น,” dagdag ng Pangulo.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na ilalantad sa publiko ang mga taong nasa likod ng pagtakas ni Guo.
“We will ๐ฒ๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ the culprits who have betrayed the people’s trust and aided in her flight. A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“There is no room in this government for anyone who places personal interest above serving the Filipino people with honor, integrity and justice,” dagdag ng Pangulo.
Nahaharap sa iba’t ibang kaso si Guo dahil sa pagkakadawit sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Una nang isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros na pumuslit ng bansa si Guo noong Hulyo 17 at Nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.