BBM3

PBBM muling itinulak paggamit ng nuclear energy

176 Views

MULING itinulak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggamit ng nuclear power sa bansa.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na mayroon ng mga makabagong teknolohiya kaugnay ng paggamit ng nuclear energy sa paggawa ng kuryente.

“I believe it is time to re-examine our strategy towards building nuclear power plants in the Philippines,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na susunod ang bansa sa itinakdang regulasyon ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na lalo pang pinalakas matapos ang nuclear accident sa Fukushima, Japan.

Napipisil ni Marcos ang public-private partnerships upang maabot ang proyektong ito.

Ayon kay Marcos kakailanganin ang pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente upang masiguro na sapat ang suplay.

Nais umano ni Marcos na maparami ang mga renewable energy power plants gaya ng solar power at offshore at on-shore wind turbines.

Pinasusuri rin ng Pangulo ang buong sistema ng transmission at distribution upang mapababa ang presyo ng kuryente.