Calendar
PBBM nabahala sa naispatang Russian submarine sa WPS
AMINADO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na labis na nakababahala ang naispatang Russian attack submarine sa West Philippine Sea.
“That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,” pahayag nii Pangulong Pangulong Marcos sa ambush interview.
“We will let the military discuss it with you, but I don’t think it is a subject that we should… Let’s just wish a Merry Christmas to all of these people,” saad ni Pangulong Marcos.
Natagpuan ang submarine sa katubigan ng WPS sa kanluran ng Occidental Mindoro na galing umanong Malaysia.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tinukoy ang submarine na mula sa Russian Navy na Ufa.
Sinabi rin ng Philippine Navy na nagpadala sila ng aircraft at iba pang asset upang subaybayan ang kilos ng nasabing submarine ng Russia.
Dagdag nito, hindi lumubog ang Ufa habang dahan-dahang umuusad pa-hilaga palabas ng teritoryo ng Pinas.
Bigo magbigay ng dahilan ang Philippine Navy kung bakit nasa teritoryo sa katubigan ang Russian vessel.