BBM

PBBM nagbigay ng P20k bonus sa mga empleyado ng gobyerno

496 Views

PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang administrative order na nagbibigay ng service recognition incentive (SRI) sa mga empleyado ng Executive department.

Ang one-time SRI ay nagkakahalaga ng hanggang P20,000.

Ang mga kuwalipikadong makatanggap ay ang mga civilian personnel ng national government agencies (NGAs), nagtatrabaho sa state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), regular, contractual o casual employee, sundalo, pulis, fire at jail personnel na nasa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasama rin ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ayon sa order, pinapayagan din ang Kongreso at Hudikatura, Office of the Ombudsman at mga Constitutional offices na magbigay ng SRI sa kani-kanilang mga empleyado.

Ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ay maaari ring mabigyan ng SRI subalit nakadepende ito sa kakayanan ng siyudad o munisipalidad.

Mayroon ding utos ang Pangulo para sa pagbibigay ng one-time rice assistance sa mga empleyado ng gobyerno.