BBM Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang flag-raising at wreath-laying ceremony para sa selebrasyon ng 126th Independence Day sa monumento ni Rizal sa Luneta sa Maynila, sa ika-12 ng Hunyo.

PBBM nagbigay pugay samga Pinoy na lumalaban sa pang-araw araw ng buhay

Chona Yu Jun 12, 2024
77 Views

BINIGYANG pugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipinong lumalaban nang patas sa pang-araw-araw na buhay.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa ika-126 taon na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, kinilala rin nito ang mga sa katatagan sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas

Ayon sa Pangulo, ang pang-araw-araw na pakikibaka ng mga karaniwang Filipino na masipag, matapang at malakas na humaharap sa mga hamon araw araw ay nagbibigay ng inspirasyon

Taglay aniya ng mga ito ang matatag na paniniwalang ang mga Filipino ay hindi kailanman magpapasakop sa pang-api.

Kasama rin sa binigyang pugay ng Pangulo ang mga magsasaka at mangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa mga Filipino gayundin ang dedikasyon ng mga guro na siya aniyang nagpapanday sa isipan ng mga susunod na henerasyon.

“While the times may be different our struggles remain the same. Still we continue to witness the true spirit of freedom in every Filipino who fights fairly in their day-to-day lives,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“As we celebrate the founding of our nation today, let us dedicate ourselves to the challenging but rewarding task of realizing the full potential of the Filipinos and building a Bagong Pilipinas—one that truly embodies the ideals of a just, progressive, and independent Republic,” pahayag ni Pangulong Marcos.