Calendar
Source: FB
Nation
PBBM nagpasalamat sa ASEAN sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine
Chona Yu
Nov 6, 2024
11
Views
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) dahil sa tulong na ibinigay sa Pilipinas nang manalasa ang magkakasunod na bagyo.
Kabilang sa mga nagpadala ng tulong sa Pilipinas ang Malaysia, Singapore, Brunei at iba pa.
“Nais kong muling pasalamatan ang ating mga kasamahan sa ASEAN na nagpadala po ng tulong. Kagaya ng ibang lugar, tinamaan din sila ng bagyo ngunit binigyan pa rin tayo ng tulong,” pahayag ni Marcos sa pamamahagi ng tulong sa Camarines Sur.
Ayon pa kay Marcos kabilang sa tulong ng ASEAN members ay ang pagpapadala ng eroplano.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang pribadong sektor na handang umagapay sa pagpapalawig ng mga proyekto ng pamahalaan.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nagpadala ang Singapore ng C-130 aircraft sa Pilipinas para sumuporta sa search and retrieval operations matapos ang bagyong Kristine , habang ang Indonesia naman ay nagpahiram ng H225M Varaval at MI-17-V5 Helicopter.
Nagpadala naman ang Malaysia ng Eurocapter EC-725 , habang ang Brunei Darussalam ay C-295 aircraft at dalawang S-70i helicopters.
Speaker Romualdez binati si Trump sa panalo nito
Nov 6, 2024
SP Chiz idiniin kahalagahan ng EBET Act
Nov 6, 2024