Medalla

PBBM nagpasalamat sa papaalis na BSP Gov. Medalla

112 Views

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe M. Medalla sa kanyang pagseserbisyo sa gobyerno at pagtulong upang mabawasan ang epekto ng inflation sa bansa.

“We have to thank you. Yes. Maraming, maraming salamat,” ani Pangulong Marcos kay Medalla sa kanyang farewell call sa Malacañan Palace noong Biyernes, Hunyo 30.

Matatapos ang termino ni Medalla bilang BSP governor sa Hulyo 2.

Siya ay papalitan ni Eli M. Remolona, na ngayon ay miyembro ng Monetary Board.

Nagpasalamat din ni Medalla sa Pangulo sa pagkakataon umano na ibinigay nito sa kanya para makapaglingkod sa gobyerno.

“I’m so thankful that I was able to get an appointment with you,” sabi ni Medalla.

Si Medalla ay naging director-general ng National Economic and Development Authority (NEDA) mula 1998 hanggang 2001. Siya ay naging miyembro ng Monetary Board mula noong Hulyo 2011.

Siya ang pumalit kay dating BSP governor Benjamin E. Diokno nang italaga itong Finance Secretary. Si Diokno naman ang pumalit sa pumanaw na si BSP governor Nestor Espenilla Jr., noong 2019.