BBM1

PBBM nagpasalamat sa pribadong sektor sa pagtulong sa pagtatayo ng medical facilities

146 Views

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pribadong sektor sa pagtulong nito sa gobyerno sa pagtatayo ng mga medical facility na magpapaganda sa healthcare service ng bansa.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa isinagawang site inspection para sa itatayong Clark Multi-Specialty Medical Center (CMSMC) sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

“Because you imagine that this big corporate giants, iniisip lang nila paano kumita, paano kumita. Pero ang katotohanan, noong humingi tayo ng tulong sa kanila, tumutulong talaga sila like the hospital that we had begun that we went to in Clark,” ani Pangulong Marcos.

“Hindi lamang ‘yung mga local na malalaking korporasyon pati na ‘yung mga funding agencies abroad na galing sa iba’t ibang bansa na napakalaking tulong na ibinibigay sa Pilipinas,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang CMSMC ay lalagyan ng mga state-of-the-art equipment para sa specialized care sa apat na medical disciplines: pediatric, renal, cardiovascular, at oncology.

Itatayo ito sa 5.7 hektaryang lupa sa Prince Balagtas Avenue sa Clark Freeport Zone.