BBM Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United Arab Emirates President H.H. Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa pag-pardon ng 143 na PIlipino.

PBBM nagpasalamat sa UAE President sa pardon ng 143 Pinoy

Chona Yu Oct 15, 2024
180 Views

NASA 143 na Filipinos na ang binigyan ng pardon ng pamahalaan ng United Arab Emirates.

Sa phone call ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..pinasalamatan nito si UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed.

Ayon sa Pangulo, ilang pamilya ang nakahinga ng maluwag dahil sa pardon na ipinagkaloob ng UAE.

“It is always inspiring to hear how our Filipino workers continue to excel and make a positive contribution in the UAE. I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Gayunman, hindi tinukoy kung anong mga kaso ang kinakaharap ng mga Filipino na nabigyan ng pardon.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Pangulong Marcos kay Zayed sa mga tulong na ibinigay sa Pilipinas.

“I had the privilege of speaking with President Sheikh Mohamed bin Zayed of the United Arab Emirates [UAE]. I extended to him my heartfelt thanks for the UAE’s humanitarian aid in the wake of the recent typhoons and floods that struck the Philippines,” dagdag ng Pangulo.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na maganda ang relasyon ng dalawang bansa.

“Our nations share strong bonds, rooted in the values and aspirations of our peoples, and I look forward to strengthening this partnership in the years ahead,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nag-usap ang dalawang lider sa telepono noong Lunes, Oktubre 14.