PBBM

PBBM nagtalaga ng mga bagong opisyal ng gobyerno

Chona Yu Jun 13, 2024
37 Views
NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa gobyerno.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kabilang sa mga itinalaga ni Pangulong Marcos sina Anthony Castelo bilang vice chairman at chief operating officer at miyembro ng Board of Directors ng Bataan Shipyard and Engineering Company, Inc.

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Raymond Anthony Dilag bilang commissioner ng Presidential Commission on Good Government, si Rogelio Quevedo bilang commissioner ng Securities and Exchange Commission (SEC) habang si Francisco Rivera ay itinalagang chairman ng Games and Amusements Board.

Itinalaga si Kaye Tinga bilang presidente  at chief executive officer at Board of Trustees ng Cultural Center of the Philippines, at si Wilson Tecson bilang miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office.