Macacua

PBBM nagtalaga ng OIC sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur

157 Views

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng officer-in-charge sa mga bagong likhang probinsya—ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Si Abdulraof A. Macacua ang magsisilbing OIC ng Office of the Provincial Governor Maguindanao del Norte at si Bai Mariam S. Mangudadatu naman ang mamumuno sa Maguindanao del Sur.

Si Macacua ay nanumpa na sa tungkulin kay Pangulong Marcos.

Hinamon ng Pangulo si Macacua na panatilihin ang kapayapaan sa pamumunuan nitong probinsya na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Si Macacua ay dating Senior Minister ng Bangsamoro Transition Authority

Bukod kina Macacua at Mangudadatu itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Bai Fatima Ainee Limbona Sinsuat bilang OIC ng Office of the Vice-Governor ng Maguindanao del Norte, at si Datu Nathaniel Sangacala Midtimbang bilang OIC ng Office of the Vice Governor ng Manguindanao del Sur.

Ang paghati sa Maguindanao sa dalawang probinsya ay alinsunod sa Republic Act No. (RA) 11550 na nilagdaan sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.