BBM

PBBM nais ng self-regenerating pension plan para sa AFP, PNP

135 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

“Now, we’re working hard on making sure that we have a pension plan both for the AFP and for the police,” ani Pangulong Marcos sa isang press briefing sa Ilocos Norte.

Ayon kay Marcos nais nito na matiyak na hindi mauubusan ng pondo para sa pensyon ng mga sundalo at pulis.

“So, bago pa mangyari ‘yun, inuunahan na natin. *We are designing* a better system,” giit ng Pangulo.

Balak din ng Pangulo na mabigyan ang mga sundalo at pulis ng isang magandang housing program.

“We are also putting together a program for housing for uniformed services, the police and the AFP … I think we will be able to do it at kasama na rin, maybe we can tie it up with the pension,” dagdag pa ni Marcos. “There are many measures para hindi masyadong mabigat para dun sa sundalo at sa mga police.”

Kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11939 na naglalayong tugunan ang hinaing ng mga batang sundalo.