Calendar
PBBM nakiisa sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno
NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.
“Let us make this highly-anticipated religious tradition as a symbolic movement of our collective earthly journey, finding new meaning in our passions and sufferings as a people,” ani Pangulong Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na sa pananampalataya ay kayang malagpasan ang mga pagsubok.
“As the Catholic faithful expresses their devotion to the Black Nazarene, let us also remember its deep rootedness in our Filipino culture of overcoming the great trials and tribulations in our midst. Indeed it is through our faith that we can conquer the storms that loom ahead of us and bring forth a life filled with grace and steadfastness,” sabi ng Pangulo.
Libu-libong deboto ang dumagsa sa Quiapo Church sa Maynila. Muli ay hindi isinagawa ang tradisyonal na traslacion dahil sa banta ng COVID-19.
Nanawagan ang Pangulo na gamitin ang imahe ng Panginoong Hesus bilang inspirasyon upang mamuhay ng may pagmamahal, pag-asa, at pagkahabag.