BBM1 Source: Philippine Army FB post

PBBM nakisimpatya sa mga biktima ng bagyo

Chona Yu Oct 25, 2024
40 Views

PNP, BFP, PCG, LTO inutusang tumulong sa relief efforts

NAGPAABOT ng simpatya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Ayon kay Pangulong Marcos, sisikapin ng pamahalaan na makapaghatid ng lahat ng kailangang tulong sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na binayo ng bagyo.

“I would like to express my sympathy for our fellow Filipinos who have become victims of tropical storm Kristine,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Binigyang halaga ni Pangulong Marcos ang resilience at ipinakitang partisipasyon at aksyon ng mga lokal na pamahalaan para sa mga biktima ng bagyo.

Bilang first responders, ginawa ng maraming LGUs ang lahat ng paraan para makapagligtas ng buhay.

Ayon sa pangulo, epekto ng climate change ang naranasan ng mga mamamayan.

Sa kaugnay na balita, pinakilos na ni Pangulong Marcos ang lahat ng sundalo at mga presidential choppers para sa relief operations sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Ayon kay Pangulong Marcos, full mobilization din ang dapat gawin ng iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard.

“I have ordered them to deploy vehicles, aircraft, boats, ships and all other transportation assets for, first, rescue and then relief and rehabilitation. I make this pledge to our people. Help is on the way. It will come by land, air and by sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinatutulong na rin ni Pangulong Marcos ang AFP at PNP medical corps relief effort bilang mga frontline personnel.

Samantala, ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang pagkansela ng mga leave ng lahat ng enforcer ng ahensya upang masiguro ang mabilis at maayos na paghahatid ng tulong sa mga apektadong lugar sa Luzon at Visayas.

Ayon kay Mendoza, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tiyaking tuluy-tuloy at maayos ang pamamahagi ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Kristine.”

Unang naglabas ng direktiba si Pangulong Marcos sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magbigay ng agarang suporta sa mga biktima ng bagyo.

Kabilang sa mga lugar na matinding naapektuhan ang Bicol, Cavite, Laguna at Batangas.

Inatasan din ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista si Assec Mendoza ang mga DOTr personnel na ilaan ang lahat ng kanilang resources para tumulong sa mga pasahero, mananakay at motorista.

“In line with this directive and upon instructions of DOTr Secretary Bautista, all leaves of enforcers and key regional and district officers in storm-affected areas are hereby cancelled until further instructions. Their presence is crucial in maintaining order and assisting in the smooth flow of aid and relief operations,” dagdag niya.

Ilang trak na may kargang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ang papunta na sa mga apektadong lugar.

Nakahanda na rin ang mga rescue boat at iba pang kagamitan, pati na ang mga rescue team, upang tumugon sa mga lugar na binaha.

“As part of this response, the role of our law enforcement officers is crucial to ensuring the smooth flow of traffic and the safety of motorists and commuters in the affected regions,” paliwanag ni Assec Mendoza.

Binigyang-diin ni Assec Mendoza na sa panahon ng ganitong kalamidad, ang pakikiisa at dedikasyon ng lahat ng tauhan ng LTO napakahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mabilis na makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan.