BBM1

PBBM nanawagan ng pagkakaiba para sa bansa

Neil Louis Tayo Aug 21, 2023
197 Views

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na isantabi ang magkakaibang paniniwala at magkaisa para sa kapakanan at pag-unlad ng bansa.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day ngayong Agosto 21.

“I stand united with all Filipinos worldwide in commemorating the Ninoy Aquino Day. By standing for his beliefs and fighting for battles he deemed right, he became an example of being relentless and resolute for many Filipinos,” ani Pangulong Marcos sa kanyang mensahe.

“In our purposive quest for a more united and prosperous Philippines, let us transcend political barriers that hamper us from securing the comprehensive welfare and advancement of our beloved people,” dagdag pa nito.

Sinabi ng Pangulo na ang pagmamahal sa bansa ang magsisilbing compass na tutulong para sa kaayusan ng bansa.

“Let us allow this compelling force to promote collaboration, celebrate diversity, and create a society that is teeming with vitality and inspiration,” sabi ng Pangulo.

Hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na gawing inspirasyon si Ninoy Aquino.

“As we take measured yet realistic strides towards progress, let us allow our steadfast spirit to drive us to uplift every Filipino and build an inclusive and more progressive Philippines,” dagdag pa nito.

Alinsunod sa Republic Act No. 9256, ipinagdiriwang ng bansa ang Ninoy Aquino Day tuwing ika-21 ng Agosto ng bawat taon.

Ngayong taon ang ika-40 death anniversary ng dating senador.