BBM

PBBM nasa Japan para palakasin ugnayan, kalakalan

199 Views

Nagtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan upang palakasin ang ugnayan rito ng Pilipinas sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, at seguridad.

Lumapag ang sinasakyang eruplano ng Pangulo alas-5:35 ng hapon sa Haneda International Airport.

Mananatili ang Pangulo sa Japan hanggang sa Pebrero 12 para sa serye ng mga pagpupulong at iba pang aktibidad kasama ang one-on-one meeting kay Japanese Prime Minister Kishida Fumio.

Ang Pangulo at si First Lady Louise Araneta-Marcos ay bibigyan din ng Imperial audience kina Emperor Naruhito at Empress Masako.

Inaasahan ang paglagda ni Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida sa iba’t ibang kasunduan.

Makikipagpulong din ito sa mga negosyante sa Japan at hihimukin ang mga ito na mamuhunan sa bansa.

“In these meetings, I will be joined by my economic team and key private sector representatives who have been and will continue to be our partners in growing the Philippine economy,” sabi ng Pangulo sa kanyang departure speech sa Villamor Air Base.

Ang Japan ay isa sa pangunahing bilateral trade partner ng Pilipinas.