Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nation
PBBM natawa lang sa mga bira ni VP Sara
Chona Yu
Oct 22, 2024
599
Views
NATAWA lang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga birada ni Vice President Sara Duterte na hindi ito marunong maging presidente ng Pilipinas.
Ipinagkibit balikat lamang ng Pangulo ang akusasyon ni Duterte nang tanungin ng mga mamamahayag sa ika-123 na anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila.
Nagbanta rin si Duterte na ipahuhukay niya ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ipatatapon sa West Philippine Sea.
Maging si First Lady Liza Marcos ay tumanggi na ring magkomento sa mga pahayag ni Duterte.
Dumalo ang Unang Ginang sa anibersaryo ng PCG bilang isa sa mga reservist.

