BBM1

PBBM: National state of calamity hindi na kailangan

168 Views

HINDI nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na magdeklara ng isang taong national state of calamity kaugnay ng pananalasa ng bagyong Paeng.

“I don’t think it is necessary,” sabi ng Marcos sa isang briefing sa Cavite.

Ang pagdedeklara ng national state of calamity ay rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) batay sa lawak ng pinsala ng bagyong Paeng.

Labing anim umano sa 17 rehiyon ang naapektuhan ng bagyo.