Calendar
PBBM: Ngayong Semana Senta magnilay sa gitna ng abalang buhay
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na gawing panahon ng pagninilay at pagkakaisa ang Semana Santa—hindi lang sa pananampalataya kundi pati sa paglilingkod sa kapwa.
Sa kanyang Holy Week message, hinikayat ng Pangulo ang publiko na magpahinga sandali at magnilay sa gitna ng abalang buhay.
“May this Holy Week strengthen our resolve to become a nation guided by faith, united in purpose, and inspired by selfless service,” ani Marcos.
Binigyang-diin niya ang sakripisyo ni Hesukristo—mula Jerusalem hanggang Krus at Muling Pagkabuhay—bilang paalala na ang tunay na kadakilaan ay hindi sa kapangyarihan, kundi sa sakripisyo at paglilingkod.
“The Passion of Christ reminds us that true greatness is not found in power, but in sacrifice…,” dagdag pa ng Pangulo.
Panawagan din niya sa bawat Pilipino: manatiling matatag sa pananampalataya kahit sa gitna ng pagsubok, at ipakita ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng kabutihan at pagtulong.
Para kay Marcos, bawat maliit na gawa ng kabutihan ay buhay na patunay ng diwa ng pananampalataya.
—

