BBM

PBBM pabor sa denuclearization ng Korean Peninsula

232 Views

PABOR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa denuclearization ng Korean Peninsula.

Ipinahayag ito ni Marcos sa kanyang pakikipagpulong kay South Korean President Yoon Suk Yeol sa Phnom Penh, Cambodia kung saan isinagawa ang 40th at 41st ASEAN Summit.

“This is of great concern and we are fully supportive of the Republic of Korea in all your efforts to denuclearize North Korea,” sabi ni Marcos.

Ayon kay Marcos ang Pilipinas ay nakikiisa sa South Korea sa mga hakbang nito laban sa nuclear weapon ng North Korea.

“The Philippines is one with you on that and we will do what we can to assist South Korea in that effort,” dagdag pa ni Marcos.