PBBM pangungunahan selebrasyon ng Family Week

206 Views

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang selebrasyon ng Family Week kasama ang daan-daang empleyado at kapamilya ng Office of the President (OP) at mga attached agency nito.

Gaganapin ang selebrasyon sa Kalayaan grounds ng Malacañang sa Disyembre 2 at 3.

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng pangangalaga sa pamilya, isinulong ni Pangulong Marcos at First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang tatlong programa—ang LAB 4 All, Serbisyo Fair, at Kadiwa ng Pangulo.

Ang LAB 4 All ay nagbibigay ng basic laboratory service gaya ng CBC, blood chemistry, urinalysis, ECG, at ultrasound; specialized tests gaya ng cervical cancer at renal disease screening; bakuna; dental; at optical services.

Ang Serbisyo Fair ay naglalapit naman ng serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa publiko gaya ng pagkuha ng pasaporte, birth certificate, lisensya sa pagmamaneho, at clearance mula sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Sa Kadiwa ng Pangulo naman nakabibili ang publiko ng iba’t ibang produkto sa mas mababang presyo.

Ilulungsad din ang Bagong Pilipinas bus bago matapos ang taon.

Upang mapasaya ang selebrasyon sa Disyembre 2, magkakaroon ng libreng concert sa Mendiola kung saan magtatanghal si Bamboo.