NKorea

PBBM: Peace, security, stability dapat manatili sa Korean Peninsula

Chona Yu Oct 12, 2024
89 Views

VIENTIANE—Muling inihirit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN Summits ang denuclearization sa North Korea.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 19th East Asia Summit sa Vientiane, Lao Peoples’ Democratic Republic, sinabi nito na mahalagang mapanatili ang peace at stability sa Korean Peninsula.

Ayon sa Pangulo, ang paglulunsad ng North Korea ng intercontinental ballistic missile ay nagpapahina sa pundasyon sa regional peace, security, at stability.

Hirit ni Pangulong Marcos sa Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) sumunod sa United Nations Security Council (UNSC) resolutions.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang ginagawa ng South Korea para itaguyod ang kapayapaan sa Korean Peninsula.

“The Philippines has joined calls on the DPRK to comply with all relevant UNSC resolutions and we welcome the Republic of Korea’s efforts to promote peace and stability in the Korean Peninsula,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang “Audacious Initiative” at “15 August Unification Doctrine” na pinakamahalagang hakbang para makamit ang kapayapaan.

“We have consistently supported the call for a complete, verifiable, and irreversible denuclearization of the DPRK,” pahayag ni Pangulong Marcos.