BBM

PBBM: PH handang makipagtulungan sa ASEAN para matiyak suplay ng pagkain

153 Views

HANDA ang Pilipinas na makipagtulungan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang magkaroon ng katiyakan sa suplay ng pagkain.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-25 ASEAN Plus Three (China, Japan, Korea) Summit na idinaos sa Phnom Penh, Cambodia.

“Attaining food self-sufficiency and security by seeking innovative solutions through adoption of new technologies and enhanced connectivity to national, regional, and global value supply chains … must be one of our utmost priorities in the region,” anang Pangulo.

Sinabi ni Marcos na muling pinagtitibay ng Pilipinas ang pangako nito na makilahok sa ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve o APTERR.

Inirekomenda ng Pangulo ang pagsama sa iba pang produkto bukod sa bigas upang magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain.

Lalahok din umano ang Pilipinas sa New Work Plan 2023-2027 ng ASEAN Plus Three (APT) na magsisilbing gabay sa sektor ng kalusugan, food security, financial cooperation, at digital economy.