BBM2

PBBM: PH-Japan VFA hindi pang pormal na usapan

195 Views

WALA pa umanong pormal na usapang nagaganap para sa pagkakaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos na hingian ng komento kaugnay ng pagpapalakas ng defense cooperation ng dalawang bansa.

“Yung support nila sa Coast Guard, matagal na yan… that kind of cooperation has been ongoing. Siguro sa kanilang palagay, the next step is to the improvement, rehabilitation sa Subic, para nga sa Coast Guard,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na ang pangunahing layunin nito ay ang pagtiyak ng malayang paglalakbay sa South China Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos ang pagpapalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isa sa mga agenda ng kanyang pagpunta sa Japan.

“So this is a new element to our relationship because we’re now talking about security of the region. So being, of course, all interested in the same thing, i.e., security in the region, I think cooperation is not a bad thing,” sabi ng Pangulo.

Umalis ang Pangulo noong Miyerkoles para sa limang araw na working visit sa Japan.