BBM

PBBM pinamamadali sa ERC rate reset review ng NGCP

142 Views

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang rate reset review ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos ang malawakang blackout sa Western Visayas.

Ipinag-utos din ng Pangulo sa ERC na tiyakin na nakasusunod ang NGCP sa mga statutory at regulatory obligations nito.

“I have also directed the ERC to complete the reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure NGCP’s compliance with its statutory and regulatory obligations, and to defend in no uncertain terms against any attempt to defer, delay, or prevent the implementation of regulatory measures,” ani Pang. Marcos.

Sinabi ng Pangulo na bagamat naibalik na ang kuryente, ang pangyayari ay nagdulot ng paghihirap ng mga residente, nakaapekto sa negosyo at kabuhayan ng mga residente ng rehiyon.

Ito na ang ikalawang power outage sa Panay Island sa loob ng wala pang isang taon.

Noong nakaraang taon ay ipinag-utos ni Pang. Marcos sa NGCP na tapusin na ang Mindanao-Visayas at Panay-Negros-Cebu interconnections upang mapatatag ang suplay ng kuryente sa rehiyon.

“Accountability lies with the NGCP. They are tasked with grid stability. Stability involves proactive responses to breakdowns and unexpected events, a duty that NGCP unfortunately has not fulfilled adequately,” ani Pang. Marcos.

“NGCP’s failure to act during the crucial two-hour window is a missed opportunity. As the systems operator, NGCP must proactively engage with distribution utilities and cooperatives to manage loads and prevent such system collapses,” dagdag pa ng Pangulo.

Nanawagan din ang Pangulo sa NGCP na pagtibayin ang ugnayan nito sa mga distribution utilities at kooperatiba upang mapangasiwaan ng mabuti ang load ng kuryente at maiwasan ang system collapse.