Calendar

PBBM pinangunahan pagdiriwang ng 74th anibersaryo ng DSWD
MAY bago umanong programa na ilulunsad si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa ika-74 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Devwlopment (DSWD), nagbiro si Pangulong Marcos tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng isang social welfare program para sa mga Pilipinong nasa “situationships” o mga relasyong walang label.
Pinuri ni Pangulong Marcos ang mga programa ng ahensya tulad ng Sustainable Livelihood Program o SLP.
Pero paglilinaw ng Pangulo, hindi sakop ng SLP ang pagsasanay para magkaroon ng “sustainable love life.”
Tila marami kasi aniyang nangangailangan nito dahil sa dami ng taong nag-i-invest sa mga relasyong walang label.
Biniro rin ng Pangulo si DSWD Secretary Rex Gatchalian, na kilalang single simula nang pasukin ang pulitika noong 2000.
Samantala, natawa na lang si Gatchalian sa biro ng Pangulo nang tanungin kung gaano na siya katagal walang karelasyon.
Noong 2024, tinatayang nasa 271,000 na pamilya ang nabenepisyuhan sa ilalim ng SLP.
Sa pamamagitan nito, ayon sa Pangulo, natututo ang mga beneisyaryo kung paano magtaguyod ng negosyo, palaguin ang kita, at patatagin ang kanilang kinabukasan.