Calendar
PBBM pinangunahan pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng “Philippine Independence and Nationhood” sa Quirino Grandstand, Rizal Park sa Maynila.
Ayon kay Pangulong Marcos isang karangalan ang tumayo bilang kinatawan ng bansa upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa ating kalayaan at pagsasabuhay ng diwa ng pagkakaisa na tugunan ang kahirapan, kakulangan sa pang-ekonomiyang oportunidad, pagpapabuti ng pamumuhay ng bawat Pilipino, hindi pagkakapantay-pantay, at pagtulong sa mga nangangailangan.
“The heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny,” ani Pangulong Marcos.
Nanawagan ang Pangulo ng pagkakaisa para maitaguyod umano ang pag-unlad ng bansa.
“I appeal for unity and solidarity in our efforts to perfect our hard-fought freedom, and achieve genuine national progress. Heeding this call will indispensably require patriotism and a strong sense of community, diligence, industry, and responsibility from all our citizens,” sabi ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na gagawa ito ng mga hakbang upang tuluyang makalaya ang bansa sa kulungan ng kahirapan at kagutuman.
“We will strive to remove the unfreedoms. We will aim to feed the hungry, free the bound, and banish poverty. These are primordial moral and existential imperatives laid upon your Government,” wika pa nito ng Pangulo.
“Through wise policies, we will foster a highly conducive and enabling environment in which the exercise of true human compassion shall allow for the full development of the Filipino,” dagdag pa nito.
Sinabi ng Pangulo na inilatag na ng administrasyon ng Philippine Development Plan para sa susunod na anim na taon upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng bansa.
Ang Philippine Independence Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo ng bawat taon upang gunitain ang proklamasyon ng kalayaan ng bansa mula sa mga Kastila noong Hunyo 12, 1898.