BBM1

PBBM pinangunahan paglulungsad ng APIN commemorative coins

162 Views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe M. Medalla ang paglulungsad ng commemorative coin set para sa 125th Anniversary of Philippine Independence and Nationhood (APIN) na ginanap sa Malacañang.

Naglabas ang BSP ng coin set ng 100-Piso, 20-Piso at 5-Piso denomination bilang paggunita sa 1898 declaration of Philippine independence (100-Piso), ang pagtatag ng unang Republika sa Barasoain Church (20-Piso), at ang katapangan ng mga Pilipino sa paglaban noong Philippine-American War (5-Piso).

Ginamit umano ng BSP ang pinakabagong digital printing technology sa paggawa ng APIN coin set. Ang coins ay mayroong kulay.

Ayon sa BSP iaanunsyo nito sa kanilang social media account kung kailan maaaring mabili ang APIN coin set sa BSP Store https://bspstore.bsp.gov.ph/.