BBM1

PBBM pinarangalan Asian Para Games winners

Chona Yu Jan 24, 2024
172 Views

PERSONAL na pinarangalan ni Pangulomg Ferdinamd “Bongbong” Marcos Jr. ang mga atletang lumahok sa 4th Asian Para Games na ginanap sa China.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagbigay ng inspirasyon sa mga Filipino ang pagpapakapanalo ng mga atleta.

“You fall into a very special category because beyond the glory that you bring to our country, you continue to inspire the nation. You continue to inspire every Filipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kung kaya niya, kung kaya nila na magkamedalya, kung kaya nila sa kanilang kondisyon— eh nagagawa nila ito, eh siguro naman tayong pangkaraniwan na Pilipino ay mas lalo pa nating kaya,” sabi ni Pangulong Marcos.

Nasa P13. 45 milyong insentibo ang ibinigay ng Office of the President sa mga nanalong atleta.

Dagdag ito sa insentibo na nakasaad sa Republic Act No. 10699, o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Nasa 19 medalya ang naiuwi ng Pilipinas sa 4th Asian Para Games. Sa naturang bilang, 10 ang gold, apat ang silver, at lima ang bronze.

Nasa P1 milyon ang nakuha sa mga nanalo ng gold medal, P500,000 para sa silver, at P200,000 para sa bronze.

“You have projected that adversity can be overcome, impairment can harness inspiration, and barriers can be bridges to triumphs,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kung kaya n’yo, kaya ng lahat ng Pilipino. Kung kaya ng Philippine Para-athletic National Team, kaya ng Pilipinas, kaya ng Bagong Pilipinas,” dagdag ni Pangulong Marcos.