BBM1

PBBM pinarangalan mga ina sa okaysonn ng Mother’s Day

24 Views

PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ina bilang “tahimik na lakas sa likod ng bawat pamilya” habang nakikiisa siya sa publiko sa pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Linggo.

Nagbahagi si Marcos ng mensahe sa social media para parangalan ang lahat ng ina, kalakip ang larawan ng kanyang ina na si Imelda Marcos, ang kanyang asawa na si First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang kanyang kapatid na si Irene Marcos-Araneta.

“Mothers are the quiet strength behind every family. They care, nurture, guide and give of themselves without asking for anything in return. Their love knows no bounds — and neither does their sacrifice,” sabi ng Pangulo sa caption ng kanyang post.

“Ngayong Mother’s Day, taos-puso kong kinikilala at pinasasalamatan ang lahat ng ilaw ng tahanan. Maraming salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal at pagkalinga,” dagdag pa niya. Philippine News Agency