Lapid

PBBM pinasalamatan ni Lapid sa bagong batas na malaking tulong sa estudyante

43 Views

NAGPASALAMAT si Sen. Lito Lapid sa paglagda ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Student Loan Payment Moratorium During Disasters or Emergencies Act o RA 12007.

Binigyang diin ni Lapid na ” ang batas na ito ay handog natin sa ating mga estudyante at sa kanilang mga pamilya.”

“Bahagi po ito ng mga batas na tutulong sa mga ating mga kababayan na naaapektuhan ng mga kalamidad. Layunin po ng batas na ito na bigyan ng kapanatagan ang mga pamilyang Pilipino na patuloy na mag-invest sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Narito po ang inyong gobyerno upang tulungan kayo kung sakaling mangailangan kayo dahil sa mga delubyong dumaraan sa ating bansa taun-taon,” aniya.

Hinikayat rin ng senador ang lahat ng Pilipino na magtulong-tulong.

“Tulong-tulong po tayo para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan. Nagpapasalamat po tayo sa Pangulong Bongbong Marcos sa pagsama sa panukalang ito sa mga nilagdaan at sa ating mga kasangga sa Kongreso,” dagdag pa ni Lapid.