BBM2

PBBM pinatitiyak seguridad ng online procurement system

217 Views

PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ligtas na paggamit ng online procurement system.

“There will still be an element of accreditation because we cannot just open the market to anything…. (What if) you buy something, you get nothing. A box with nothing inside. ‘Yung ganoon,” ani Pangulong Marcos.

“So, to safeguard against that, kailangan accredited ‘yung kausap natin,” sabi pa ng Pangulo.

Dapat din umanong masiguro na ang mga produktong maipapasok sa online procurement process ay hindi overpriced at mayroong mataas na kalidad.

Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na iluungsad ng Procurement Service nito ang e-Marketplace sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) kung saan maaaring bumili ang mga ahensya ng gobyerno ng sasakyan.