Speaker Romualdez and PBBM Source: File photo

PBBM. pinuiri ni Speaker Romualdez sa pagtupad sa pangakong patatagin ang PH

Mar Rodriguez Nov 4, 2024
52 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda nito sa 15 panukalang batas upang makapagpatupad ng reporma sa sektor ng agrikultura, edukasyon, defense, at hudikatura, habang naka-break ang sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Speaker Romualdez ang hakbang na ito ng Pangulo ay pagpapakita ng kanyang pagtupad sa pangako na patatagin ang bansa at isulong ang pag-unlad nito.

“The signing of these 15 new Republic Acts (RA) during the recess shows a relentless commitment to our people,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“From strengthening our agricultural economy to enhancing judicial capacity and supporting education, these laws represent concrete steps to ensure a safer and more prosperous Philippines,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang mga panukalang batas na nilagdaan ng Pangulo sa pagitan ng Setyembre 26 hanggang Oktobre 30 ay nagpapalakas sa laban ng gobyerno kontra sa agricultural smuggling, pagpaparami ng mga sanay ng hudikatura,n at pagtatayo ng nationwide program para sa academic recovery ng bansa. Ang sesyon ng Kongreso ay magbabalik sa Lunes, Nobyembre 4.

Mula ng umupo si Pangulong Marcos noong Hunyo 30, 2022, kabuuang 103 panukala na ang nilagdaan nito upang maging batas— 50 sa mga ito ay nasyunal at 53 ang para sa lokal na pagpapatupad.

Ang mga panukala na nilagdaan ng Pangulo habang naka-break ang sesyon ay ang mga sumusunod:

1. RA 12022 na nagbibigay kahulugan sa agricultural economic sabotage at nagtatakda ng parusa rito, at nagbibigay ng hurisdiksyon sa mga kaso kaugnay nito sa Court of Tax Appeals (CTA), at nagtatakda ng mekanismo para sa implementasyon nito at nagbabasura sa Republic Act No. 10845 o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.”

2. RA 12023 na nag-aamyenda sa ilang bahagi ng National Internal Revenue Code of 1997, at naglalagay ng bagong probisyon para sa mas epektibong pangangasiwa sa pagbabayad ng buwis.

3. RA 12024 na nagpapalakas ng self-reliant defense posture program, at nagtataguyod ng pag-unlad ng national defense industry at paglalaan ng pondo para rito.

4. RA 12025 na nagtatayo ng limang sangay ng Regional Trial Court sa National Capital Judicial Region sa Muntinlupa City.

5. RA 12026 na lumilikha ng apat na sangay ng Regional Trial Court sa Fourth Judicial Region sa Calauag, Quezon.

6. RA 12027 na nagsususpendi sa paggamit ng mother tongue bilang pangunahing medium of instruction sa Kindergarten hanggang Grade 3, na nakasaad sa “Enhanced Basic Education Act of 2013.”

7. RA 12028 na nagtatayo at naglalaan ng pondo para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program.

8. RA 12029 na lumilikha ng dalawang sangay ng Regional Trial Court sa Fourth Judicial Region sa Silang, Cavite.

9. RA 12030 na nagtatayo ng tatlong dagdag na sangay ng Metropolitan Trial Court sa National Capital Judicial Region sa Parañaque City.

10. RA 12031 na lumilikha ng dalawang sangay ng Regional Trial Court sa Second Judicial Region sa Cabagan, Isabela.

11. RA 12032 na nagtatayo ng tatlong dagdag na sangay ngb Regional Trial Court at dalawang sangay ng Municipal Trial Court sa Tenth Judicial Region sa Dinagat Islands.

12. RA 12033 na lumilikha ng isang dagdag na sangay ng Regional Trial Court, na magsisilbing special court para sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot sa Baybay City, Leyte.

13. RA 12034 na nagdadagdag ng anim na sangay ng Regional Trial Court sa Ninth Judicial Region, sa Diplahan, Zamboanga Sibugay.

14. RA 12035 na lumilikha ng tatlong sangay ng Regional Trial Court sa Tenth Judicial Region, sa Valencia City, Bukidnon.

15. RA 12036 na lumilikha ng apat na sangay ng Regional Trial Court sa Eighth Judicial Region, sa stationed Tacloban City, Leyte.

“Our new law against agricultural economic sabotage directly targets those who seek to exploit our farmers and consumers through smuggling and other illicit activities,” ani Speaker Romualdez na ang pinatutungkulan ay RA 12022.

“Agriculture is the backbone of our economy, and this law will protect it by enforcing strict penalties and giving jurisdiction to the CTA, ensuring those responsible are held accountable,” punto pa nito.

Sinabi ng lider ng Kamara na ang mga bagong batas ay naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino gaya ng mabilis na proseso ng batas at pagpapabuti sa kalagayan ng sektor ng edukasyon.

“The additional trial court branches will reduce case backlogs and ensure timely justice, while initiatives like the ARAL program and the strengthened defense posture reflect our commitment to education and national security,” sabi nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga bagong batas ay nagpapakita ng pangako na lalong patatatagin ang bansa at pagbubutihin ang serbisyo publiko kahit na ang 19th Congress ay naka-recess.

“The passage of these laws underscores our dedication to meaningful progress and a stronger future for every Filipino,” sabi pa ng lider ng Kamara.

“These 15 new laws are only the beginning. We remain focused on legislation that brings real change, prioritizing safety, justice, and prosperity for all,” dagdag pa nito.