PBBM pinulong magiging miyembro ng kanyang Gabinete

201 Views

BAGO pa man magsimula ang kanyang termino, nagtatrabaho na si President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Pinulong ni Marcos ang mga miyembro ng kanyang economic team na pinangungunahan ni incoming Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.

Binigyan-diin umano ni Marcos sa pagpupulong ang kahalagahan na maging prayoridad ang mga hakbang upang agad na makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, ang incoming Executive Secretary, kasama rin sa pagpupulong sina Budget Secretary-designate Amenah Pangandaman, NEDA secretary-designate Arsenio Balisacan, DPWH secretary-designate Manny Bonoan, Trade secretary-designate Fred Pascual at Labor secretary- designate Benny Laguesma.

Marahan umanong bubuuin ang mga plano ng susunod na administrasyon upang agad na makabangon ang ekonomiya.