Calendar
PBBM pinuri ang Kamara na pinamumunuan ni Speaker Romualdez sa pagpasa ng National Land Use bill
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kamara de Representantes na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mabilis na pagpasa ng National Land Use Bill, na kabilang sa mga prayoridad na maisabatas ng administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa launching ng Pier 88 sa Liloan, Cebu, iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng national land use policy na siyang magiging gabay sa mga hakbang na gagawin ng gobyerno.
“I thank the House of Representatives for its timely and significant action in having approved their version of this bill on third reading just a few days ago,” sabi ni Pangulong Marcos.
Kasama ni Pangulong Marcos si Speaker Romualdez sa grand launching ng Pier 88.
Ayon sa Pangulo itinutulak na nito ang panukala mula pa noong siya ay naging gubernador, kongresista, at senador.
“This time we will see to it that this measure shall be given the urgent attention that it deserves cognizant of its fundamental importance to our holistic national development,” ani Pangulong Marcos.
Ang naturang panukala—House Bill 8162, ay inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo. Nakakuha ito ng 262 pabor na boto at tatlo lamang ang tumutol.
Ang HB 8162 ay isa sa mga panukala na prayoridad na maisabatas ng Marcos administration at ng Legislative Executive Development Council (LEDAC).
“This is a long-awaited measure and the President knows its importance. Through this proposed National Land Use Act (NLUA), the government will have the tool to properly identify land use and allocation patterns in all parts of the country,” ani Speaker Romualdez matapos na maaprubahan ang HB No. 8162.
Layunin ng panukala na tukuyin ang angkop na paggagamitan ng mga lupa at maproteksyunan ang mga lugar na dapat pagtaniman.