PBBM pinuri ang PCG sa pagharap sa hamon

282 Views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) na humarap umano sa hamon sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.

“When the pandemic came to the Philippines and we were in need of skilled workers to help in again another duty or another mission that was not originally the mission of the Philippine Coast Guard, yet the Philippine Coast Guard rose to the challenge and to this day are continuing that duty to help alleviate the problems brought about by COVID-19, and in your duty and in your service, you have saved many, many lives,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 121st Founding Anniversary ng PCG.

Kinilala rin ng Pangulo ang pagsaklolo ng PCG sa mga nasalanta ng kalamidad at pagsaklolo sa mga nangangailangan ng tulong sa karagatan.

“I congratulate each and every one of you for this impressive record. This success speaks well of your loyalty, your perseverance, and also your triumphs in carrying out your mandates, as you continuously evolve into a more reliable, relevant agency over the years in the future,” ani Marcos.

Ipinaayos din umano ng PCG ang mga lighthouse na nagsisilbing gabay sa mga mangingisda sa kanilang paglalayag.

Pinuri rin ni Marcos ang pagtanggap ng PCG sa mga bagong tungkulin gaya ng pagdepensa sa teritoryo ng bansa.