Ferdinand R. Marcos Jr.

PBBM pinuri pagtulong ng Japan bank sa pagpapa-unlad ng RE sa bansa

159 Views

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako ng Mitsubishi UFJ Financial Group Inc. (MUFG) na tutulungan ang gobyerno ng Pilipinas upang mabawasan ang paggamit nito ng fossil fuel at maparami ang renewable energy (RE) sources sa bansa.

Sa courtesy visit ni MUFG Chairman Mike Kanetsugu, binigyan-diin ni Pangulong Marcos ang pagnanais ng bansa na balansehin ang paggamit ng renewable at fossil fuel.

“We are also very conscious of our situation in the Philippines wherein we are very sensitive to climate change. It is very important that we play also a part to move the balance of renewables and fossil fuels more and more in favor of renewables,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

Kinilala naman ni Kanetsugu ang mga nagawa ng bansa upang dahan-dahang dumami ang renewable energy sources nito.

“Energy transition is a very, very important agenda I consider for this country. We are providing with financing, and we work for various transition projects that will contribute to successful transition of energy structure,” sabi ni Kanetsugu.

Ang MUFG ay isang Japan-based bank holding and financing service company na bumili ng 20 porsyento ng Security Bank Corporation sa halagang P36.9 bilyon noong 2016.

Ang MUFG at Security Bank ay pumasok sa isang Memorandum of Understanding kasama ang Board of Investments noong 2018 upang maiuugnay ang mga negosyanteng Pilipino sa mga investor sa Japan sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga business matching activity.

Inilungsad din ng MUFG ang Interbank Fund Management Service (IBFM) noong 2017 upang makapagpadala ng remittance ang mga kustomer nito ng libre at nagbigay ng P44 milyong donasyon sa Association of the Filipino students sa Japan katuwang ang Security Bank na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.