BBM

PBBM pinuri planong $2.5B pamumuhunan ng Bangkok company sa bansa

147 Views

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng isang kompanya na nakabase sa Thailand na maglagak ng $2.5 bilyong pamumuhunan sa agricultural technology development ng bansa.

Bumisita ang mga opisyal ng Charoen Pokphand Group (CP Group) sa pangunguna ng chairman nito na si Soopakij Chearavanont sa Malacañang.

Plano umano ng CP Group na palawigin ang operasyon nito sa bansa at maglagak ng $2.5 bilyon mula 2023 hanggang 2027 sa industriya ng baboy, manok, hipon, at pagkain.

“We’re very impressed with the new technologies that you use. I remember you told me that each plant farm you build is different from the last one because you immediately incorporate and adopt new techniques in technology,” ani Pangulong Marcos sa mga opisyal ng CP Group.

Unang nakausap ng Pangulo ang mga opisyal ng CP Group nang bumisita ito sa Thailand noong Nobyembre 2022.

Plano ng nabanggit na kompanya na magdala sa bansa ng mga state-of-the-art technology.