Calendar

PBBM projects pakikinabangan ng 4.1M Pinoys
IBINALITA ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na mahigit 4.1 million na tao at libu-libong magsasaka ang makikinabang sa mga bagong programa ng pamahalaan.
Bukod dito, 224 projects ang ipinatutupad sa ilalim ng Public Private Partnership Center kasama na ang mga paliparan gaya ng Ninoy Aquino International Airport at Laguindingan airport.
Nabanggit din ni Castro ang good news para sa mga motorista na madalas bumabyahe sa Norte na pansamantalang ipinatupad ang libreng toll sa northbound lane mula Balintawak hanggang Meycauayan, Bulacan simula alas-12:00 ng tanghali noong Marso 24.
May nagtanong sa opisyal kung ano ang pinagkaiba ni VP Sara Duterte sa kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte kay yumaong Ninoy Aquino.
Ang sagot ni Castro: “Napakalayo pong ikumpara ang dating Pangulong Duterte kay Ninoy Aquino na hindi nagkaroon ng anumang record ng mass murder o crimes against humanity.”
“As a matter of fact, hanggang ngayon, iyong sinasabing threats kay VP Sara, hindi pa rin po naipapakita sa NBI at saka sa PNP,” dagdag ni Castro.
Nasa The Hague, Netherlands para sa kanyang ama si VP Sara.