Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BBM Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa 33rd Anti-Terrorism Council meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na patunay na rito ang pagsusumikap ng pamahalaan na buwagin at puksain ang mga teroristang grupo at palakasin ang national security.

PBBM sa ATC: Itaguyod kaligtasan ng bawat Pinoy

Chona Yu Dec 4, 2024
47 Views

BBM1PRAYORIDAD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaligtasan ng bawat Filipino.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 33rd Anti-Terrorism Council meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na patunay na rito ang pagsusumikap ng pamahalaan na buwagin at puksain ang mga teroristang grupo at palakasin ang national security.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na malayo na ang narrating ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa pagsawata sa mga banta sa bansa,

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang ATC na ipagpatuloy ang pagtupad sa misyon nito na itaguyod ang kaligtasan ng bawat Filipino.

“By disrupting terrorist organizations and limiting their resources, we have sent an unequivocal message: The safety of our people is our topmost priority,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Together, we will continue investing in initiatives that balance decisive action with inclusive approaches, ensuring a future where peace is not a fleeting ideal but a continued and lasting reality,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, masasawata ang terorismo sa bansa sa pamamagitan sa pagtugon sa ugat ng problema sa lipunan at ito ay ang paglaban sa kahirapan.

Itinatag ang ATC sa pamamagitan ng Republic Act 11479 o 2020 Anti-Terrorism Act.

Sa ngayon, pinamumunuan ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin habang nagsisilbi namang vice chairman si National Security Adviser Eduardo Año.