Calendar
PBBM sa China: Tumigil na kayo
MATAPANG na sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panawagan ng China na alisin ang US Typhon missile launchers na ipinosisyon sa hindi tinukoy na lugar sa Luzon.
Ayon kay Pangulong Marcos, isasauli lamang niya ang Typhon missiles sa Amerika kung ititigil ng China ang ginagawang harassment sa mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
“Let’s make a deal with China– stop claiming our territory, stop harassing our fishermen and let them have a living, stop ramming our boats, stop water-cannoning our people, stop firing lasers at us, and stop your aggressive and coercive behavior, and I’ll return the Typhon missiles. Tigil nila yung ginagawa nila, ibabalik ko lahat ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Hindi maintindihan ni Pangulong Marcos ang patuloy na pangingialam ng China sa missile system ng Pilipinas gayung malakas naman ang kanilang mga ginagamit.
“I don’t understand their comments on the Typhon missile system– we don’t make any comments on their missile systems and their missile systems are a thousand times more powerful than what we have. So I don’t understand,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Matatandaang inilipat ang mid-range capability missile system ng Pilipinas mula Laoag airfield sa hindi tinukoy na lugar sa Luzon.
Una nang nanawagan si Chinese foreign minister spokesman Mao Ning na alisin ang missile system ng Pilipinas.
Nabatid na ang Tomahawk cruise missiles ay kayang makatama sa target mula Pilipinas sa China at Russia habang ang SM-6missiles ay kayang makatama ng air o sea target ng mahigit 200 kilometro ang layo.