DOE

PBBM sa DOE: Apurahin integrasyon ng proseso para sa EVOSS

Chona Yu Oct 1, 2024
55 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) na apurahin ang integrasyon ng lahat ng applications at permitting processes para sa energy projects sa iisang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS).

Ginawa ni Pangulong Marcos ang direktiba sa ginanap na sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kung saan pangunahing tinalakay ang pagpapadali o streamlining ng mga energy project applications.

Unang binanggit ni Pangulong Marcos ang kautusan na ito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.

Nabatid na nais ng Chief Executive na ipagbigay-alam ng DOE nang mas maaga sa mga ahensya ang tungkol sa mga endorsement upang masimulan na agad ang permit processing bago pa dumating ang rekomendasyon.

Sinabi naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ipatutupad nila ang mungkahi ni Pangulong Marcos.

Sinasabing kabilang ang matagal na permitting process at kaliwa’t kanang permits at clearances sa mga dahilan kaya nagdadalawang-isip ang mga investors na maglagak ng negosyo sa bansa, bagay na unti-unti na namang tinutugunan ng pamahalaang Marcos.