BBM Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa situation briefing tungkol sa bagyong si Enteng sa Antipolo City.

PBBM sa DPWH: Pag-aralan paggamit ng weirs sa flood control programs

Chona Yu Sep 7, 2024
83 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-aralan ang paggamit ng weirs sa mga flood control program sa bansa.

Sa situation briefing sa sa bagyong Enteng sa Antipolo City, sinabi ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng weirs, hindi agad maibubuhis ang tubig sa low-lying communities partikular ang Rizal at Metro Manila.

“Bakit hindi tayo gumagamit ng weir? A weir is not a dam. Dumadaan ‘yung tubig but you can control the level of the water by the weir. It’s just that I see them in other places and it’s really effective. (Bakit) wala tayong ganun?,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“I’ve seen it in many, many, many places, and it seems to be very effective. It’s an old, old, ancient technology. I don’t know why we don’t use weirs. We should incorporate that into our designs, palagay ko sa flood control. Pag-aralan nga natin kung sino pa ang pinakamagaling na gumamit ng weir,” dagdag ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos, matagal nang gumagamit ang Europeans sa pagkontrol sa baha.

“Because I know it’s effective. Very adaptable sa atin ‘yan. I bring it up because of what I saw in the video, ang bilis ng tubig. Kung hindi ganun kabilis ang tubig then ‘yung fatalities natin first, baka ‘yung ilan doon hindi na nalunod. This is a technique that is very effective when it comes to flood control,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang weir ay isang maliit na pangharang sa ilog na nakapagko-kontrol sa tubig.